Sunday, August 30, 2009

Comments on Marxism

From: DINDO B. DONATO <dbdonato@info.com.ph>
To: <frvillote@edsamail.com.ph>
Cc: mailto:deszrlaw@info.com.ph%3ESent:
Saturday, December 01, 2001 2:33 AM
Subject: (Comments on “Puroy on Our Mind”)

Dear Fr. Villote:

I wish to comment on the (reflections) of one EG of London contained in your article (entitled) “Puroy on Our Mind” (and) published (in) the 27 May 2001 issue of the Sunday Inquirer Magazine. I do not know EG, and certainly I do not intend to engage him in endless and fruitless debate. I believe however that his reflections are not only disturbing, they are also subtly (disorienting). Therefore, I feel I have to make known my own comments, if only to (counter the frustration and confusion that results from) EG's reflections. My comments (in Tagalog address the vernacular reflections of EG) as follows:

1. Sa palagay ko merong malalim na pagkakamali sa pakiramdam ni EG ng “panghihinayang” sa Masa Revolt ng 1 May 2001 sa dahilan (raw) na walang mga lider “progresibo” ang grupo ni Puroy. Para sa akin, hindi mahalaga kung ang mga lider nila Puroy ay mga “rightist” o mga “progresibo” kuno. Kung ang (balakin) lang din ng mga (lider na ito) ay pag-awayin ang mahirap laban sa mayaman, maling-mali na kaagad ang batayan at layunin ng kanilang kilusan.

2. Dito pa lang sa “panghihinayang” ni EG ay (nababahala) na ako. (Pakiramdam) ko, marxista si EG sa (isip) at damdamin. Tungkol naman sa marxismo, (heto ang isang paliwanag na galing sa internet):

“Marxism is a false ideology of (greed and) violence, that calls for all the poor to (rob and) kill all the rich, so that there will arise a classless society where there is material equality, because then nobody will be rich and everybody will be poor. It is not really an ideology of love (of) the poor. (It) is merely an ideology of hatred (of) the rich. That is all there is to Marxism, nothing more.”

3. Lalo pa akong nababahala sa (pananaw) ni EG kung sino at ano si Puroy. Sabi ni EG: “Sa kumplikadong mundo ni Puroy, mahirap sabihin kung sino ang mali o tama, kung alin ang masama o mabuti... Wala kang paniniwalaan kung sino ang tama o mali. Basta't gawin mo ang kailangan mong gawin, huwag ka lang pahuli. Ganyan ang lohika ng buhay nila. Huwag nating hanapin sa kanila, gaya ng ginawa ni Joel, ang lohika ng ating 'moralidad' – ang moralidad ng mga may matuwid na buhay... Kung ikaw si Puroy, masasabi mo bang masamang mambato ng pulis, mang-agaw ng batuta, lumusob sa Malakanyang? Masasabi mo bang masama ang manakot ng reporter o magsunog ng sasakyang media na walang ginawa kundi ulit-ulitin ang insultong binabato sa tulad niyang mahirap?”

4. Agad nakikita sa salita at (isip) ni EG na napakababa ng tingin niya kay Puroy. Nawala na ang pagkatao ni Puroy dahil hindi na (raw) siya marunong kumilala ng tama o mali. Ganun lang ba ka-simple yun? Dahil lumaki si Puroy sa (iskwater), wala na (raw) siyang (kakayahang) kumilala ng tama o mali? Bakit merong iba dyan, lumaki nga na “middle class” o mayaman, pero hindi rin marunong kumilala ng tama o mali?

5. Para sa akin, nasa kalooban ng tao ang pagkilala (ng) tama o mali. Totoo na may “negative influence” ang “negative environment.” Pero hindi totoo na dahil lumaki ang tao sa “negative environment” ay tiyak wala na siyang pag-asa na kumilala ng tama o mali. Nasa tao pa rin ang huling pasya kung ano ang (nais) niyang gawin sa buhay niya. Kaya lalo (lang) akong naguluhan sa “matinding pakiusap” ni EG na sana “huwag nyong ikaila ang pagkatao (ni Puroy).” Meron yatang “inconsistency” dito. Sa pagkaintindi ko, si EG mismo ang hindi kumikilala sa pagkatao ni Puroy.

6. Hindi rin ako sang-ayon sa “comparison” ni EG kay Erap at sa nanay (na puta) ni Puroy. (Yung) nanay ni Puroy ay (nagpakahirap) para kay Puroy. Pero si Erap, noong naging Presidente siya ng bayan, (nagpakahirap) by siya para sa mga tulad ni Puroy?

7. Marami sa ating (mga) kababayan na “middle class” at mayaman, ang nagulat sa tindi at lalim ng mga hinanakit ng masa noong naganap na Masa Revolt. Pero (ako), (namulat na) noong 1998 “presidential elections” pa (lamang). Isa akong “volunteer lawyer” noon ng Partido Reporma ni De Villa. Nag “volunteer” ako (matapos nai-junk) siya ni FVR, at iniwan ni Cory. Napakalungkot at napakahirap ng kampanya (namin). Araw-araw kong sinusunduan sa “tri-media” and tindi ng batikos ng mga Presidential candidates laban kay Erap. Pero nung lumabas ang resulta, maliwanag na walang (epekto) ang mga (ito). Para sa akin, maliwanag din kung ano ang nangyari. Ayaw na ayaw nang (pakinggan ng masa ang) mga pangaral ng “middle class” at mayaman sa “tri-media.” Sawang-sawa na sila sa pambobola atbp. (Nung sapilitan) kong intindihin kung bakit ayaw nang makinig ang masa sa “middle class” at mayaman, iisa lang ang naging (kasagutan). Bakit, kailan ba nakinig (ang) “middle class” at mayaman sa masa?

8. (Sa) karanasan ng ating bayan, (merong) dalawang malalim na dahilan kung bakit (ang) masa ay (nananatiling) mahirap sa mga dekadang nakalipas. Ang una ay (sa dahilan na) ang “middle class” at mayaman ay “indifferent” o walang paki-alam sa (kapakanan) masa. Ang pangalawa ay (sa dahilan na) ang masa mismo ay (“indifferent” o walang paki-alam sa pag-asang) pagbabago.

9. Yung unang dahilan ay nakikita sa kawalan ng malawakang “involvement” ng “middle class” at mayaman sa kapakanan ng masa. Madalas kanya-kanya ang pag-asenso at pag-unlad sa buhay. Kaya kung ikaw ay masa na walang (pambayad sa gastusing pang-edukasyon), malamang maiiwan ka sa patuloy na pag-asenso at pag-unlad ng “middle class” at mayaman...

10. Yung pangalawang dahilan ay madaling makita sa (tuwing eleksyon). Hindi lang ito sa “national elections” tulad ng 1998 “Presidential elections.” (Marami ring) mga “local elections,” na kahit wala namang nagawa yung (naka-upo), nananalo pa rin. Para bagang (matagal nang sumuko) ang masa. Wala rin daw namang mangyayari (sa) kahit sino pa ang naka-upo. Kaya (wala ring) panghihinayang sa pagbebenta ng boto.

In sum, our (deeply entrenched) social problems, will have to be addressed by all (the people) thinking, speaking and acting as (one). The key is multi-class cooperation, and not inter-class conflict.

Sincerely,
Dindo Donato
Makati City









No comments:

Post a Comment