Bakit ang mga probinsya, palaging dumudulog sa
Maynila, hindi lang sa mga mahalagang programa, pati na rin sa mga sakuna,
bagyo, baha, lindol, bulkan, at pandemya? Wala bang marunong at matino sa mga
rehiyon, sa Maynila lang talaga merong ganoon? Diba maraming nasa Maynila,
galing din naman sa probinsya? Kaya nagsisikipan nang marami duon, mga negosyante
at manggagawa kaunti lang sa rehiyon. Mga malalaking programa, plano at
proyekto sa rehiyon, aprubado ng mga taong ‘di pa naka punta duon. Kapag may kuro-kuro
o reklamo ang mga taga-kanayunan, kinikimkim at tinitiis na lamang. Baguhin at
ayusin na natin ang sistema sa mga rehiyon, nang umayos ang pamamalakad at
kabuhayan duon. Bigyan sila ng sapat na kapangyarihan, nang makatulong sa
kaunlaran ng bayan. Palakasin ang mga rehiyon, upang lahat ay kayang maka-ahon. #PeoplesDraft
Tuesday, March 1, 2022
People's Draft: Palakasin ang mga rehiyon, upang lahat kayang maka ahon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment